Ang talino hindi nasusukat sa dami ng alam dahil wala naman talagang taong marami ang alam, at sa kung anong position ang nakuha niya sa graduation.
Laging ang sukatan nito ay sa kung paano mo gawin ang tama at nararapat at huwag pumatol sa mali. Iyan ang taong matalino. At may kilala akong ganoon si Aeriel Delos Angeles, Hindi man siya ang pinaka matalino pero siya ang estudyante ko na alam ang tama sa mali. Hindi nagtawag si Kristo ng mga Matatalino bilang Apostoles niya bagkus mga mangingisda ang tinawag niya. Dahil ang talino ay wala sa sukatan ng galing ng utak kundi nasa pagsasabuhay ng tama na galing sa puso.
Importante ang mga parangal pero ito ay mga panadalian lamang at kailanman hindi basehan ng katalinuhan. Mahilig lang talagang parangalan ng tao ang maliit na maipagmamalaki niya pero hindi niya naiisip na sa mata ng Dyos ito’y walang kwenta.
Ang “Best” ay nasa utak lang ng tao. at hindi naman talaga ito nasusukat. Pati si Kristo nga, kahit ibigay na niya ang best niya, pinatay pa din. Minsan lang talaga ang mga makamundong “Best” lang ang alam ng tao.
Hindi ko naman sinasabing wala talagang matalino sa mundo, ang sinasabi ko lang dapat alam natin kung saan ang pinanggagalingan ng talinong ito.May mga matatalino pero hangang utak lang. Tandaan mo mas gugustuhin pa ni Kristo ang mangisngisda na may puso kesa taong puro talino.
Ang karangalan ng totoong matalino ay wala sa mundong ito kaya naman iyong mga apostoles ni Kristo ay hindi nakaranas ng “Recognition rite” sa halip sila ngayon ay nasa langit.
Ang Matalino dapat ba ganito? o Ganyan?
Ikaw paano ka magsukat ng isang matalino? Kapag ba maraming alam? O kapag nasasagot lahat ang tanong mo? o kapag kilala ng maraming tao?
Ako alam ko kasi may kilala na ako.