Ano Bang Mali Sa Akin? -Suicide Note

Akala kasi nila hindi din ako nalulungkot. Na masaya ako at ayos lang sa lahat ng oras. Hindi din naman. Kapag kasi nalulungkot ako, sa sarili ko na lang iyon. Ayaoko ko nang ipagsabi pa sa iba. Bakit ba kailangan pa nilang malaman. Ayokong may nakakaalam ng nararamdaman ko. Hindi naman sa madamot ako o ayaw ko sa mga taong nasa paligid ko. Ayoko ko lang kasing kinakaawaan ako.

Siguro nong bata ako, naiinis ako kapag awa lang ang binibigay sa amin ng mga tao at kamag anak namin. Kami ang pinaka mahirap sa angkan. kaming pamilya ang tinitignan ng mababa, Nong bata ako, ayoko kong nakikita ang sarili ko at ang pamilya ko na kinakawawa. May galit ako sa kanila na mahirap ang tingin sa amin. Pero gusto ko ding magpasalamat sa kanila kasi natuto akong lumaban, na kahit hanggang ngayon nilalabanan ko pa din ang mga emosyon nong pagkabata ko.

Sa laban ko, mag isa lang ako. mag isang naninwala sa sarili ko at sa kakayanan ko. Naging lakas ko ang sarili ko. Alam kong may mga sumuporta sa akin at nais kong humingi ng paumanhin dahil sa pagkaminhid ng puso ko, hindi iyon naramdaman. Pati iyong mga taong akala nilang nandyan sila para sa akin ay hindi ko din napansin. Hindi ko din nabigyan ng importansya. Naging manhid ako dahil sa galit ko sa mundo. Dahil sa galit sa mundo.Dahil sa mga taong nagmaliit sa akin.

Hangang ngayon ay nahihirapan akong tanggapin na may halaga ako sa mundo at sa mga taong nakikilala ko, sa mga taong sa tingin ko’y nagpapahalaga sa akin. Pakiramdam ko parang kailangan kong patunayan ang halaga ko sa kanila. Kailangan kong  paghirapan ang anumang pagmamahal at halaga na ipaparamdam at ibibigay nila sa akin. Parang wala akong kwenta sa mundo kasi wala kong kayang gawin at wala akong kayang patunayan. Wala akong kayang patunayan.

Nasasakatan ako pero wala naman akong magagawa kundi tangapin ang mga sakit ng mundo. at tangapin na din, na wala talagang totoong taong pwedeng magmahal at tatangap sa akin ng buo. Hindi ko lang ito iniisip. Ito ang pinapapakita at pinaparamdam sa akin ng mundo. Masakit dahil ito ang totoong nasa loob ko. pero wala akong hinangad kundi ang maging malaya ako.

Hindi ako masisis ng mundo kung may mga pader na nakapaligid sa akin. Alam kong mahirap pasukan ang mundo ko dahil sa mga pader na ito. Isa lang naman ang dahilan kung bakit nanatili silang matibay, dahil sa takot sa loob ko. Natatakot ako. May takot ang kalooban ko kaya matibay ang mga pader na ito. Ayoko silang masira. At pananatilihin ko silang matatag. Alam ko, hangga’t nandyan ang mga pader, walang makakasakit sa akin. May proteksyon ako.

Sana lang hindi ako nakakasakit ng tao. May komportable ako kung walang masyadong malapit sa akin. Mas masaya ang buhay ko kung walang nagmamamahal sa akin, kung walang nag iisip sa akin. Sana pabayaan na lang nila akong mabuhay ng mag isa. Malungkot pero tanggap ko naman. Wala akong paki alam sa iba. Ayoko nang may koneksyon ako sa kanino man. Mas gusto ko ang mag isa lang.

Hindi ako naniniwala na may nagmamahal sa akin. Mahirap akong mahalin. Mahirap akong pakisamahan. Mahirap akong tao. Mas mainam na lang na hanggang sa pangalan lang magkakakilala ang mga tao. Mas gusto ko ang ganon. Nahihirapan akong makisama ayoko ko kasing may nasasaktan ako. Kasi kapag nangyayari iyon, bumababa ang tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama at maganda. Sa mata ko, lagi na lang may mali sa akin. Parang gusto kong tanungin ang sarili ko. Ano bang mali sa akin? Isa ba akong malaking pagkakamali sa mundo?

Ang hirap at ang sakit makaramdam ng panliliit sa sarili. Parang mas gugustuhin  mo lang kunin ang buhay mo dahil wala naman itong kwenta. kung meron man, bakit hindi mo ito makita. Hindi mo kayang mahalin ang sarili mo at ang iba dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng minamahal. Bakit ba pinagkait sa akin ang mga ito. Kaya siguro gusto kong intindihin ang mga bagay bagay dahil may bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko.

Minsan naiisip ko ding kunin na lang ang buhay ko. Mahirap ang depresyon. Ayoko nang ganito.

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s